Nasawi ang isang pasahero nang mahulog mula sa isang barko sa Verde Island Passage, Batangas City.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Batangas, nakatanggap ito ng ulat sa nangyaring insidente noong Biyernes, Mayo 1.
Agad namang nagsagawa rescue operation ang mga tripulante ng Calapan City-bound vessel, tumugon din ang mga tauhan ng PCG at nagsagawa ng first aid.
Isinugod din sa ospital ang naturang pasahero ngunit idineklarang dead on arrival.
Batay sa paunang imbestigasyon, nakahilig umano ang biktima sa railing ng barko bago mahulog mula sa itaas na deck.
Patuloy namang tinutulungan ng PCG ang pamilya at nakikipag-ugnayan sa shipping company para sa maayos na pag-uwi ng kanyang labi.
Muling pinaalalahanan ng PCG ang mga pasahero na sumunod sa mga safety protocol sa dagat.
Trending
- PNP: Proteksyon sa pamilya ng missing sabungeros, paiigtingin
- Karagdagang 20 GW target ng DOE para maabot 2040 renewables goal
- DOH nilinaw, wala pang kaso ng Ebola sa bansa
- Hirit na P200 dagdag-sahod sa NCR, ‘di luho
- Pagtigil sa pagpapatupad ng bagong SHS curriculum, hiling ng mga guro sa SC
- Mga sundalo karapat-dapat sa mas maayos na access sa healthcare services
- House prosecution naghahanda na vs fake news
- Pinas, maaari nang mag-angkat ng Belgian poultry
