Hindi nagpaawat si dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pakikipagsabayan ng kembot kay Katrina Paula.
Sa isang Facebook post ni Katrina nitong April 10, ibinahagi niya ang kanilang “entry” sa classic song na “Mamang Sorbetero”.
Nag-trending ang pagsasayaw ng dalawa at mayroon na ngang mahigit 1 million views ang video.
Kilala si Panelo sa pagiging fashionable at mahilig sa sining at musika, ngunit ang pagiging game niya sa mga ganitong dance challenge ay muling nagpatunay sa kanyang good vibes na personalidad sa labas ng mundo ng politika.
Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang naturang post, kung saan marami ang nagulat sa energy ni Panelo.
Ilan sa mga komento ng netizens:
“Iba rin ang kembot ni Atty. Panelo, parang walang rayuma!”
“Pabata nang pabata si Atty ah hehehe.”
“Good vibes lang, nakakaaliw silang dalawa ni Katrina.”
“Grabe ang kembot pang-TikTok star na!”
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

