Patay na ang apat na indibidwal na nakasagupa ng mga pulis sa isang shootout sa Pampanga, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Hunyo 29.
Ayon kay PNP Public Information chief Col. Allen Rae Co, nagsimula ang shootout nang rumesponde ang pulisya sa report ng mga concerned citizen tungkol sa umano’y walang pakundangang pamamaril ng grupo sa isang liblib na lugar sa bayan ng Arayat habang nasa impluwensiya ng alak noong Sabado
“They were brought to the hospital… [but]they are now all deceased,” ani Co.
Binanggit ni Co na isa pa lamang sa mga napatay na suspek ang nakilala na isang alyas “Ka Arlet”, isang 51-anyos na lalaki at residente ng Arayat.
Ang iba pang mga suspek na napatay sa engkuwentro isang 35-anyos na lalaki at dalawang 50-anyos na lalaki, na pawang mga residente rin ng Arayat.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

