Pinag-aaralan ng Palasyo ang panukalang ipagpaliban muli ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa gitna ng krisis sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mungkahi na makatutulong sa bansa, kabilang ang panukalang maaaring makatipid ng hanggang Php 16B kung hindi matutuloy ang halalan.
May ilang panawagan kasi ng anim na buwang postponement ng BSKE na nakatakda sa Nobyembre 2, at iminungkahing ilaan na lamang ang pondo nito upang tugunan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Gayunman, nauna nang nagpasya ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang paulit-ulit na pagpapaliban ng naturang halalan.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

