Tiniyak ng Department of Justice na patuloy na umuusad pa rin ang kaso sa pagkawala ng mga sabungeros.
Ayon mismo kay Justice Secretary Fredderick Vida, tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso at makaseseguro umanong hindi humihinto ang prosekusyon sa pagtupad ng mandato nito.
Layon aniya rito ng mga taga-usig na tuluyan panagutin ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero partikular ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang at iba pang mga sangkot o kapwa-akusado.
Binigyang diin ng kalihim na nakatuon ang atensyon at nakabatay ang pag-iimbestiga ng prosekusyon sa katotohanan.
Kasunod ang pahayag ng kalihim nang mapaulat ang sinasabing pagbibigay ng pera ng kampo ni Atong Ang sa pamilya ng mga biktima.
Subalit iginiit ni SOJ Vida na ang patungkol sa pamamahagi ng tulong ay hindi direktang makakaapekto sa kaso sapagkat nakabase umano ang imbestigasyon sa katotoohanan.
Aniya’y ang pinagbabatayan sa kaso ay ang matibay na ebidensya kaya’t hindi alintana kung magkaroon ng pag-atras ng testigo.
Ibinahagi ng kalihim na bukod sa testimonya, pinagbabasehan rin ang tinatawag na object o real evidence.
Trending
- Loraña, Roda, at Balderama nasungkit pangalawang ginto sa PH Athletics
- Iran, tabla sa unang laro sa World Cup
- MrBeast umabot na sa 500 milyon ang YouTube subscribers
- Julia Montes todo asikaso sa ex ni Coco na si Katherine Luna
- Cup of Joe, Dionela, Maki atbp, maghaharap sa 17th Star Awards for Music
- 3 bagitong tulak, timbog ng QCPD
- Nakalalasong bula sa ilog sa Laguna, tatalupan ng DENR
- 78 na nasawi sa lindol sa Mindanao
