Tiniyak ng Department of Justice na patuloy na umuusad pa rin ang kaso sa pagkawala ng mga sabungeros.
Ayon mismo kay Justice Secretary Fredderick Vida, tuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso at makaseseguro umanong hindi humihinto ang prosekusyon sa pagtupad ng mandato nito.
Layon aniya rito ng mga taga-usig na tuluyan panagutin ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero partikular ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang at iba pang mga sangkot o kapwa-akusado.
Binigyang diin ng kalihim na nakatuon ang atensyon at nakabatay ang pag-iimbestiga ng prosekusyon sa katotohanan.
Kasunod ang pahayag ng kalihim nang mapaulat ang sinasabing pagbibigay ng pera ng kampo ni Atong Ang sa pamilya ng mga biktima.
Subalit iginiit ni SOJ Vida na ang patungkol sa pamamahagi ng tulong ay hindi direktang makakaapekto sa kaso sapagkat nakabase umano ang imbestigasyon sa katotoohanan.
Aniya’y ang pinagbabatayan sa kaso ay ang matibay na ebidensya kaya’t hindi alintana kung magkaroon ng pag-atras ng testigo.
Ibinahagi ng kalihim na bukod sa testimonya, pinagbabasehan rin ang tinatawag na object o real evidence.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

