Naglabas ng special benefits package ang Pag-IBIG Fund para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na na-repatriate dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.
Ayon sa ahensya, maaari nang i-access ng mga kwalipikadong OFWs ang kanilang Pag-IBIG savings, kabilang ang buong contributions at dividends, kahit hindi pa umaabot sa maturity period.
Puwede rin nilang i-withdraw ang kanilang MP2 savings nang maaga, at makapag-avail ng tatlong buwang moratorium sa housing loan payments na walang interest at penalties. Madaragdagan din ng tatlong buwan ang loan term bilang bahagi ng relief measures.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, layunin ng hakbang na maibsan ang financial burden ng mga OFW na naapektuhan ng krisis sa Middle East.
Kasabay nito, sinabi ng Pag-IBIG Fund na mabilis at accessible ang aplikasyon sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG at mga tanggapan nito sa buong bansa at abroad.
Aabot sa mahigit 891,000 OFW members sa Middle East ang maaaring makinabang sa programa, kabilang ang mga nasa Saudi Arabia, UAE, Qatar, at Kuwait.
Layunin ng programa na bigyan ng agarang financial support ang mga OFW habang sila ay nag-a-adjust at muling nag-iintegrate matapos maapektuhan ng tensyon sa rehiyon.
Trending
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
- Walang “military-backed People Power” pero PNP nakaalerto
- “Night Club King” at driver patay sa ambush sa QC
