Nakuhanan ang isang tricycle driver ng P6.8 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Poblacion sa Bongao, Tawi-Tawi nitong Linggo, May 31.
Mismong mga municipal officials sa Bongao ang nagkumpirma nitong hapon ng Linggo ng pagkaaresto kay Jaylani Talib Amin ng mga agents ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa naturang entrapment operation.
Agad na inaresto ang 27-anyos na suspect, isang tricycle driver, ng mga PDEA-BARMM agents, pinamumunuan ni Abraham Solon Kalim, na kanyang nabentahan ng isang kilong shabu sa isang lugar sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bongao, ang kabisera ng Tawi-Tawi, isa sa limang probinsyang sakop ng Bangsamoro region.
Abot sa P6.8 million ang halaga ng shabu na nakumpiska mula kay Amin nila Kalim at mga pulis na tumulong sa paglatag ng naturang entrapment operation, gagamiting ebidensya sa paghabla sa kanyang sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa inisyal na pahayag ng tanggapan ni Tawi-Tawi Gov. Ysmael Sali, nagtululungan sa naturang entrapment operation sila Kalim, ang mga units sa probinsya ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ang impormanteng nagsuplong ng pagbebenta ni Amin ng shabu sa Bongao.
Magkahiwalay na nagpasalamat sina Kalim at ang director ng PDEA-BARMM, si Edgar Jubay, sa mga local executives sa Tawi-Tawi at mga officials ng PRO-BAR units sa probinsya na malaki ang ambag sa entrapment operation na nagresulta sa agad na pagkadetine ni Amin.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
