Umarangkada na ang ensayo ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao bilang paghahanda para sa nalalapit nitong pagbabalik sa boxing ring.
Sinimulan nito ang pagsasanay sa pamamagitn ng light workout kung saan tumakbo ito sa Pan Pacific Park sa Los Angeles.
Sinabi ng 46-anyos na si Pacquiao na ang kanyang laban ay isang bagong kabanata ng kanyang buhay.
“Inspirado ako at puno ng motibasyon para sa aking comeback fight,” ani Pacquiao.
Ibinida niyang handa siyang ipamalas sa mundo ang kanyang kakayahan.
“Iniaalay ko ang laban kong ito para sa mga boxing fans at hindi pa natatapos ang laban,” ani Pacquiao.
Makakasagupa ng eight-division boxing champion Pacquiao si Mario Barrios para sa WBC welterweight championship sa darating na Hulyo 19.
Ayon sa ulat, tatanggap din ng pagkilala si Pacquiao sa buwan ng Hunyo matapos na ma-induct siya sa International Boxing Hall of Fame.
Matatandaaang huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 kung saan tinalo siya ni Yodernis Ugas ng Cuba.
Lumaban din si Pacquiao sa ilang mga exhibition fight kabilang na ang anim na round na laban kay DK Yoo ng South Korea noong Disyembre 2022
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya
