Naglabas ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) ng status quo ante order na nagsususpinde sa pagpapatupad ng P85 dagdag sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.
Sa dalawang pahinang kautusan na may petsang Hulyo 24, na ang kopya ay nakuha ng Bilyonaryo News Channel nitong Huwebes, Hulyo 30, bahagyang pinagbigyan ni Pasig RTC Executive Judge Achilles Bulauitan ang petisyon na inihain ng Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc. laban sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board – NCR at National Wages and Productivity Commission.
Hiningi nila sa korte na pigilan muna o hindi kaya’y panatilihin muna ang dating antas ng sahod (status quo).
Tinanggihan ng korte ang hiling ng mga petitioner para sa isang 72-hour Temporary Restraining Order (TRO).
Ginawa ito upang magkaroon ng sapat na panahon ang branch ng korte na mabubunot (raffled branch) na pag-aralan nang mabuti ang mga merito at batayan ng aplikasyon ng petitioners para sa TRO.
======
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na
