Halos P4 billion halaga ng shabu ang nalambat ng mga mangingisda sa karagatan ang i-turn-over sa otoridad sa Pangasinan batay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PDEA Dir.Gen Undersecretary Isagani Nerez, narekober ng 29 mangingisda ang may 588 vacuum sealed transparent pack ng shabu na may timbang na 587.8 kilograms na nagkakahalaga ng P3,997,040,000 sa karagatan ng Pangsinan noong June 5 hanggang 6 ,2025.
Ang nasabing mga shabu, i-turn over ng mga mangingisda sa otoridad sa Dacap Sur, Bani, Pangasinan; Boboy, Agno, Pangasinan; at Luciente I Balingasay, at Poblacion, Bolinao, Pangasinan.
“The retrieval operations highlight the strong inter-agency collaboration and cooperation among law enforcement agencies in protecting the country’s vast and porous coastlines from any threats of drug smuggling and trafficking,” ayon kay PDEA Director General Isagani R Nerez
Magugunita na una nang narekober ng mga awtoridad ang nasa 177 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5B na nakasilid sa 7 sako na natagpuan ng may mangingisda habang palutang-lutang ang mga ito sa karagatang sakop ng Masinloc, Zambales
Patuloy ang ginagawang retrieval operations ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa mga karagdang sako ng droga sa mga karagatan ng Pangasinan sa tulong ng LGUs at local fishermen.

Share.
Exit mobile version