Umaabot sa P400,000 halaga ng pinaniwalaang narra ang nasabat sa dalawang katao sa pagpupuslit sa checkpoint sa Barangay Bakir, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Carl”, 27-anyos na drayber at si alyas “JM”, 26-anyos na binta at mga residente ng Barangay Poblacion, Paracelis, Mountain Province.
Nanguna sa paglalatag ng Checkpoint ang 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company na siyang nakaharang sa Toyota Hiace GL Grandia Van na lulan ng mga suspek dakong 3:50 ng madaling araw.
Hinanapan naman ng mga dokumento at kaukulang lisensiya sa pagmamaneho ang mga pinaghihinalaan bagamat bigong makapagpakita ang mga ito.
Nang siyasatin ang sasakyan, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga tablon ng Narra, na tinatayang may 800 board feet ang volume na nagkakahalaga ng humigit kumulang P400,000.00 na isinailalim sa imbentaryo.
Nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree No. 705 bilang Revised Forestry Code of the Philippines ang mga suspek na nasa kustodiya na ng Bagabag Municipal Police Station.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader
