Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P13.3 milyong halaga ng hinihinalang marijuana kush mula sa isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Huwebes, Hunyo 4.
Ayon sa BOC-NAIA, na-detect sa x-ray scan ng check-in baggage ng isang Pilipinong pasahero mula sa Thailand ang kahina-hinalang laman, dahilan upang isailalim ito sa masusing inspeksyon.
Sa isinagawang pisikal na pagsusuri, natuklasan ang 21 medium-sized packs, 42 small packs, at dalawang medium-sized containers na naglalaman ng pinatuyong dahon na hinihinalang marijuana kush.
Tinatayang aabot sa 8,910 gramo ang kabuuang bigat ng mga nasamsam, na nagkakahalaga ng P13,365,000.
Agad na nakipag-ugnayan ang BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagsagawa ng K9 sniffing operation na nagpakita ng positibong indikasyon sa ilegal na droga.
Itinurn-over na ang mga nakumpiskang droga sa PDEA para sa laboratory examination, karagdagang pagsusuri, at case build-up.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader
