Arestado ang 36-anyos na lalaki na sangkot sa ilegal na “paihi” o paglilipat ng produktong petrolyo sa Lemery, Batangas noong Biyernes ng gabi, Mayo 1.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang operasyon 9:45 ng gabi sa Purok 3, Mataas na Bayan sa pangunguna ng CIDG Batangas Provincial Field Unit katuwang ang lokal na pulisya.
Nasamsam sa operasyon ang mga produktong petrolyo, isang tanker truck, at iba pang kagamitan na ginagamit sa ilegal na aktibidad na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P11 milyon.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa CIDG Batangas Provincial Field Unit para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.
Pinuri naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mabilis na aksyon ng mga operatiba at tiniyak na paiigtingin pa ang kampanya laban sa mga ilegal na gawain nakaaapekto sa kabuhayan at kaligtasan ng publiko.
====
Trending
- SPED program ng DepEd hihimayin sa Kamara
- NBI pinag-aaralan pag-subpoena sa misis ni Bato
- Pamilya ng missing sabungeros, nagsampa ng obstruction of justice vs abogado ni Atong Ang
- BFP, nagbabala sa pagkalat ng kanilang AI-generated photos
- NBI, tutugisin pa rin si Sen. Jinggoy maging sa loob ng Senado!
- Lalaking nagpanggap may alam sa kinaroroonan ni Sen. Bato Dela Rosa, kulong
- Iran football team nagpasya sa Mexico muna manirahan sa kasagsagan ng FIFA World Cup
- UFC octagon ring sinimulan ng itayo sa White House
