Naaresto ang dalawang drug high value individual sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Buntun, Tuguegarao City, Cagayan Miyerkules ng gabi, Hulyo 9, 2026.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Jackler at alyas Kenneth, kapwa residente ng nasabing lugar at dati nang nakulong sa parehong kaso.
Isinagawa ang operasyon ng Provincial Intelligence Unit ng Cagayan PPO katuwang ang iba pang himpilan ng pulisya, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek. Nasamsam sa operasyon ang kabuuang 73 gramo ng shabu na may tinatayang halagang P496,000.00.
Bukod dito, nakumpiska rin ang limang gramo ng marijuana, isang cellphone, drug paraphernalia, at iba pang kagamitan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

