Nabisto ng mga awtoridad ang umano’y online sex for sale operation sa Laguna nang iulat ng isang miyembro ng Laguna Youth Patrollers ang isang Facebook page na ginagamit umano sa pag-aalok ng kababaihan kapalit ng pera at pagtarget sa mga menor de edad.
Ayon sa paunang imbestigasyon, isang 16 taong gulang na babae ang natukoy na posibleng biktima sa naturang ilegal na operasyon.
Agad namang iniutos ni Laguna Governor Sol Aragones ang masusing imbestigasyon upang matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng online operation.
Nagsagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Laguna Police Provincial Office sa tulong ng Cybercrime Unit upang matukoy ang mga suspek at ang posibleng paglabag sa mga umiiral na batas, kabilang ang online sexual exploitation at human trafficking.
Patuloy ring hinihikayat ng pulisya ang publiko na maging mapagmatyag at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang online activities na maaaring may kaugnayan sa pang-aabuso at pagsasamantala sa kababaihan at mga bata.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France
