Nagulat ang isang content creator nang dumating ang in-order nilang battery power station na nagkakahalaga umano ng P16,300.
Imbes kasi na ang inaasahang gadget ang laman ng kahon, mga tipak ng bato ang tumambad sa kanila nang i-unbox ang parcel.
Hindi rin nila napigilang mapamura nang makitang puro bato ang laman ng package.
“Tagal na naming nag oorder sa Shopee! Worth P16,300 na parcel, bato ang laman😭😭,” caption ni Mommy Sunshine sa isang Facebook post nitong Sabado.
“Dalawang sako yung nasa box yung isa wasak pero naka tape. Yung isa may nakalagay Calamba pero di naman dumaan ng Calamba yung parcel,” dagdag niya sa comments section.
Humiling na umano sila ng refund sa online shopping app at kasalukuyan na itong under review.
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

