Hindi naiwasan ni Ogie Alcasid ang uminit ang ulo kay Vice Ganda a segment na “Laro Laro Pick” sa “It’s Showtime.”
Sa mechanics ng laro, kakanta si Ogie tapos hihinto para ipahula ang susunod na salita.
Pero sa gitna ng kantahan, nalito ang singer—imbes na nasa ikatlong salita na, nasa pangalawa pa rin ang kanyang hinto.
Agad siyang kinorek nina Vice at Vhong Navarro, na nagsabing nasa third word na dapat sila.
Pabirong depensa ni Vhong, baka kinakabahan lang si Ogie kaya nagkakamali.
Dito na natawa ang lahat nang magbiro si Ogie: “Magkaliwanagan tayo ha, number two. Mainit na ulo ko!” na lalo pang nagpasabog ng tawanan sa studio.
Mas lalo pang naging riot ang eksena dahil kahit matapos ang correction, nagkamali ulit si Ogie at inakalang nasa second word pa rin sila—kaya todo tawa at asaran sina Vice at Vhong.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse
