Naaresto ang isang nursing student sa loob ng isang coffee shop noong Biyernes ng umaga, Mayo 22 nang magsumbong ang 36-anyos na biktima sa mga awtoridad.
Batay sa imbestigasyon, nagsimula umano ang pangingikil noong Marso 9, 2026 kung saan tinatakot umano ng suspek ang biktima na ibubunyag ang kanilang mga naging intimate encounter kapag hindi nagbibigay ng pera.
Tinatayang nasa P600,000 na umano ang naibigay ng biktima bago siya tuluyang humingi ng tulong sa pulisya nang muling hingan ng karagdagang P6,000 ng suspek na umano’y gagamitin bilang “enrollment fees.”
Agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Pasig City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkarekober ng marked money.
Nahaharap ngayon ang salarin sa kasong robbery extortion.
Trending
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
- Joshua, asiwa sa love scenes
- Rico Blanco, spotted, may kasamang ‘mystery girl’
- Dating teammate ni Wade sinuntok sa Greek League Finals
- Ateneo umatras sa Filoil EcoOil Preseason Cup
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
