Nagkaungkatan ng nakaraan ang dalawang dating child star na sina Niño Muhlach at Janice De Belen.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Abril 6, inispluk ni Janice na nagtatantrums umano si Niño noon sa shooting dahil sa kaniya.
Aniya, “12 ako, 9 years old siya. Alam mo ba, nagtatantrums siya ng dahil sa akin sa shooting.”
“Pero hindi pa siya kilala noon ni Aga [Muhlach],” sabi naman ni Niño. “Ako unang may crush diyan. Nagkasama kami sa pelikula, e.”
Kinumpirma naman ito mismo ni Janice matapos tanungin ni Ogie.
Matatandaang bumida ang dalawa sa pelikulang “Tropang Bulilit” noong 1981.
Samantala, naging ka-loveteam naman ni Janice kalaunan ang pinsan ni Niño na si Aga. Sa katunayan, nagtambal pa nga sila sa pelikulang Super-Wan-Tu-Tri noong 1986.
Hindi nagtagal, naisapubliko ang pagbubuntis ni Janice sa anak nila ni Aga na si Luigi.
Bagama’t inalok ni Aga ng kasal si Janice, tumanggi ang huli dahil masyado pa umano silang bata noon.
Gayunman, nilinaw ni Aga sa isang panayam noong 2017 na planado at hindi kailanman naging aksidente ang pagbuo nila noon sa panganay nila ni Janice.
Sa kasalukuyan, matapos kumuha ng iba’t ibang kurso, isa nang ganap na kusinero si Luigi.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

