Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang planong paglalabas ng subpoena laban kay Nancy dela Rosa ay hindi umano para alamin ang kinaroroonan ng asawa nitong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kundi bahagi ng imbestigasyon sa umano’y utak ng kamakailang barilan sa Senado.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, mali ang mga paratang na ginagamit umano ang asawa ng senador para matunton ang mambabatas, na nahaharap sa warrant of arrest ng International Criminal Court kaugnay ng war on drugs.

“Let me be clear on one point: the NBI’s consideration of a subpoena directed at Ms. Nancy dela Rosa has nothing to do with locating Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa,” ani Matibag sa isang statement.

“We are not asking her where her husband is,” dagdag pa niya.

Matatandaang binatikos ni Senador Panfilo Lacson ang plano ng NBI na ipa-subpoena ang misis ni Senador Bato. Tinawag ito ni Lacson na “trabahong tamad”.

Bukod daw sa mae-expose nito ang kawalang kakayahan ng NBI sa intelligence work, “unprofessional” din aniya ang pangha-harass sa asawa ni Sen. Bato para matunton ang huli. 

Share.
Exit mobile version