Magsasagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng sariling imbestigasyon sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University upang alamin ang buong pangyayari sa insidente.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, makikipag-ugnayan ang ahensya sa mga kinauukulang awtoridad matapos ang imbestigasyon.
“Well, we’ll conduct our investigation. At the end of the investigation, we will have a coordination and submit the investigation report,” ani Matibag.
Binanggit din ni Matibag na sinusuri ng NBI ang pagbawi ng umano’y gunman sa sarili nitong buhay kasunod ng pamamaril.
“Ang problema rito, yung subject mismo, yung namaril, he also took his life, diba?” dagdag niya.
Tutukuyin din umano kung may kaugnayan ang insidente sa iba pang insidente ng karahasan sa mga paaralan sa bansa kamakailan.
Samantala, sinabi ni Matibag na maaga pa upang tukuyin kung may pananagutan ang mga kamag-anak ng hinihinalang gunman o ang paaralan.
“Hindi pa natin makikita ‘yan, tingnan natin kung ano ‘yung kabuuan ng istorya,” ani Matibag.

Share.
Exit mobile version