Inaprubahan na ng Pasig court ang cyber warrant laban kay Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta at apat na iba pa, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, sa bisa ng naturang warrant ay magkakaroon ang ahensya ng access sa mga gadget na nakumpiska mula sa mga akusado.
“Legally, we can obtain information, videos, pictures, text messages, text logs, lahat po. So ‘yung mga nakausap niya, kung sino man mga kinausap niyang personality, we will have access to that, malalaman po namin,” ani Matibag.
Matatandaang inaresto ng ahensya si Mabanta at apat na iba pa kaugnay ng umano’y tangkang pangingikil ng P300 milyon kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Mariin namang itinanggi ng PGMN ang akusasyon at iginiit na isang “setup” ang pag-aresto.
Noong Mayo 9, nakalaya ang grupo mula sa NBI Detention Facility matapos maghain ng piyansa.
Binigyang-diin din ni Matibag na bukas ang ahensya sa iba pang posibleng reklamo laban sa grupo.
“We’re just there sa opisina namin kung may gusto pang mag-file, we’re welcome. Sabi ko nga, makikita namin kung sino ‘yung mga nakausap. Senators, congressmen, mayors, governors, personalities, sino man,” dagdag pa niya.
Trending
- Hunyo idineklarang “Judiciary Month” ni PBBM
- ‘Pinas tinanggal ban sa Belgian poultry
- Ping Lacson aminadong naisip mag-resign sa Senado
- Pia Cayetano nangumusta, naka-move on na sa pagiging emosyonal sa Senado
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
