Kasalukuyang tinutugis ang driver ng isang pulang Mitsubishi Mirage sedan nang makunan ng CCTV na nagnanakaw ng diesel mula sa isang elf truck na nakaparada sa harapan ng isang bahay sa Barangay Fairview, Quezon City.
Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), naganap ang insidente noong madaling-araw ng Marso 31.
Tumabi ang nasabing sedan sa truck at puwersahang binuksan ang takip ng tangke nito.
Batay sa imbestigasyon, tinatayang 60 litro ng diesel ang nasipsip mula sa truck, na may kabuuang halagang aabot sa P7,080.
Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Ian”, 28-anyos na negosyante.
Agad na tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksiyon matapos ang krimen.
Ang insidenteng ito naganap sa gitna ng nararanasang krisis sa suplay ng langis bunsod ng patuloy na tensiyon sa Middle East.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

