Natanong si Sanya Lopez tungkol sa mystery man na diumano’y inspirasyon ngayon ng Kapuso actress.
Masaya rin siya dahil kung sakali ay ito ang kanyang first boyfriend.
Hindi rin ikinaila ng aktres na napag-uusapan na nila ang tungkol sa ‘future.’
“Nasa tamang age na rin po kasi kami na hindi na kami bumabata, so hindi na dapat pabebe. “Siyempre, pumapasok naman po tayo sa relasyon na hindi na nakikipaglaro kasi iyon naman talaga po ang goal natin,” paliwanag niya.
Nang maurot naman ni Boy Abunda kung supportive ang rumored dyowa niya sa kanyang career, isang mataginting na “oo” ang kanyang naging tugon.
Sumalang din siya sa Fast Talk challenge kung saan sinagot niya ang ilang intimate questions tungkol sa kanyang lovelife.
Between hot and sexy ay mas preferred daw niya ang ‘hot.’
Midnight din daw ang bet niya kumpara sa good night.
Tipo raw naman niya sa isang dyowa ay ‘afam’ over Pinoy kaya nagkaroon ng espekulasyon na isang foreigner ang kanyang rumored dyowa.
Mas pipiliin din daw niya ang kaedaran niya kesa sa matanda sa kanya for reasons of compatibility.
Hirit pa niya, bet din daw niya ang parehong bine-beybi at nambe-beybi ng dyowa.
Siyempre, gusto rin daw niya na éxclusive’ sa kanya ang lalake.
Between in lab at in lab na in lab ay ang huli raw ang estado ng kanyang puso.
Walang kagatol-gatol naman niyang sinabing ang ideal guy niya ay parehong guwapo at mayaman.
Inamin naman niya na minsan na siyang na-bully ng kapwa artista.
Tungkol naman sa roles, pareho raw na matimbang sa kanya ang roles ng diwata o kaya’y ng iconic character tulad ni Maria Clara.
Hinggil naman sa bashers, never pa raw siyang umalma sa kanyang bashers.
Dagdag pa niya, never pa rin daw siyang nanggigil sa kanyang detractors dahil ‘dedma’ lang ang kanyang attitude sa mga ito.

Share.
Exit mobile version