Patay ang 60-anyos na driver nang pagbabarilin at hagisan ng granada sa harap ng isang prutasan sa Barangay Takepan, Pikit, Cotabato Sabado ng hapon, Abril 18.
Kinilala ang biktima na si Nano Guiambalanan Salimenang, na sakay ng kanyang green multicab nang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng itim na motorsiklo na walang plaka.
Bigla umanong inihagis ng mga salarin ang granada at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima nguni’t idineklara ring dead on arrival.
Sa isinagawang imbestigasyon,
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang safety lever ng granada at dalawang basyo ng bala ng .45 caliber.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen.
Trending
- Ateneo tinapos ang 5-game losing
- Warriors, tinalo ang Clippers
- Sofia Trazona ipinagmalaki ‘cocomelon’
- JM De Guzman pakakasalan na si Donnalyn Bartolome
- Marian game maging kabit
- Multicab grinanada: driver patay
- Mekaniko nagrambo bulagta sa engkuentro; paslit nadamay
- Iligal na gawaan ng paputok, sumabog sa Bocaue

