Sumakabilang-buhay na ang ina ng dating aktres at singer na si Carol Banawa matapos ang pakikipaglaban sa cancer.
Sa isang Instagram post noong May 17, sinabi ng US-based Filipina nurse na pumanaw ang kanyang inang si Cirila noong gabi ng Mayo 16, habang napapaligiran ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Ayon kay Carol, pinanghahawakan nila ang pananampalataya na nasa mabuting kalagayan na ang kanilang ina.
Inalala rin niya ang kabutihan ng kanyang ina — ang pagiging masayahin, mapagmahal at ang walang sawang pag-aalaga sa pamilya.
“We will miss the way she could light up a room simply with her presence. We will miss her laughter, her stories, her warmth, and the love she gave so freely to everyone around her,” saad ni Carol sa kanyang post.
Ibinahagi rin ni Carol na ang kanyang ina ay nanatiling matatag sa pananampalataya sa kabila ng pinagdaraanan nitong sakit.
Ayon pa sa kanya, ngayon ay muling makakapiling ng kanyang ina ang ama at kapatid nito na matagal na ring pumanaw.
“While we grieve deeply here on earth, we also find peace and joy knowing that you are now with our Lord Jesus Christ, whom you loved with all your heart,” dagdag pa niya.
“Do not worry about us, Mama. We will be okay. You raised us with so much love, strength, faith, and resilience, and we will continue to do our best to make you proud every single day.
“So this is not goodbye. Until we all see each other again,” patuloy pa niya.
Trending
- Joey Salceda may ‘mataas na posisyon’ sa PBBM admin
- Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar gagawing fishery hub
- Higit P29m droga, nakumpiska sa Pasay
- Top 1 most wanted sa Occ. Mindoro tiklo sa Bulacan
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
