Nakaposte na sa social media ang schedule ng Metro Manila Film Festival para sa taong ito.
Inanunsyo ng pamunuan ng MMFF na ang deadline ng pagsusumite ng letter of intent sa mga nais lumahok ay sa May 15.
Mangyaring i-email ito sa mmff@mmda.gov.ph.
Ang deadline naman para sa script ay on o bago mag-alas singko nang hapon sa June 15.
Ang finished film naman ay on o bago mag-alas singko nang hapon sa September 30.
Samantala, maugong na ang mga posibleng entries sa naturang festival.
May ilalahok daw ang Kapuso couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Their last entry ay ang record-breaking na Rewind.
Balitang may collab din daw sina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda–their first ever kung saka-sakali.
Naghahanda na rin daw ng ilalahok ang GMA Pictures–a possible Dennis Trillo movie directed by Zig Dulay.
Ang tandem nilang ‘yon ay nasubukan na sa MMFF entry na Green Bones.
Join din daw ang Star Cinema, Viva Entertainment at Regal Entertainment.
Not to be snubbed ay ang mga independent producers din, kaso nga lang ay aware sila na mas papaboran ang mga malalaking film outfits.
May tsismis ding sasamantalahin ng Mavx Productions ang pagiging in demand ng Sex Bomb Dancers na ipagpoprodyus nito ng MMFF entry.
Naghahanda na rin daw ng pambatang entry tulad ng nakasanayan in the previous years
Trending
- DLSU pinataob ang UE
- Freddie Roach, Manny Pacquiao muling magkasama sa Wild Card Gym
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Justin Bieber, balik performer
- Kris Lawrence nililigawan ulit si Katrina Halili
- 26 miyembro ng Kamara iniimbestigahan sa ‘anomalya’ sa infra projects
- 3.9M nagparehistrong botante para sa BSKE 2026 – Comelec
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC
