Nasawi ang isang babae nang pagsasaksakin ng asawa nitong Sabado de Gloria sa Angono, Rizal, noong Abril 4, 2026.
Sa ulat, rumesponde ang mga awtoridad mula sa Antipolo Police sa tahanan ng pamilya nang makatanggap ng impormasyon ukol sa insidente. Pagdating sa lugar, nadatnan nilang tahimik ang bahay hanggang sa kanilang pasukin ang loob nito.
Sa loob ng silid, tumambad ang walang buhay na katawan ng biktima na nakahandusay sa sahig, habang natagpuan naman sa banyo ang salarin na duguan at may malubhang sugat sa tiyan kung saan nakalabas umano ang ilan sa parte ng bituka nito.
Isang kitchen knife din ang narekober sa pinangyarihan na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ariel Azurin, “Yung suspek naka-lie sa bathroom with a wound in the abdomen. Labas ang kaniyang bituka. At ‘yung wife ng suspek in bloodbath na nakahiga rin doon sa floor ng kuwarto.”
Samantala, kritikal din ang kalagayan ng 15-anyos nilang anak na babae na umano’y nasaksak, habang ligtas namang nakalabas ng bahay ang 12-anyos nitong kapatid nang walang tinamong sugat.
Dagdag pa ni Azurin, “’Di umano sinaksak siya ng tatay niya. At nagkaroon sila ng opportunity ng kaniyang kapatid na makatakas.”
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen, at kung paano nagkasaksakan ang salarin at mga biktima, bagaman isa sa mga anggulong tinitingnan ang posibleng problema sa pananalapi ng pamilya.
“Based sa interview namin sa kaniyang kapatid, medyo engaged sa illegal gambling, casino. So, baka ‘yun ang dahilan kaya medyo nalubog siguro sila sa utang. Kaya minsan ‘yun ang nagiging dahilan kaya nagkakaroon ng ganiyang depression o ganiyang pag-iisip ang mga suspects. But we’re still investigating the case,” ani Azurin.
Nahaharap ang salarin sa mga kasong parricide, frustrated parricide, at attempted parricide. Nanatili naman itong kritikal habang ginagamot sa ospital.
Ayon pa sa pulisya, posibleng isailalim sa drug test ang salarin, habang isinasailalim naman sa mga kaukulang pagsusuri, kabilang ang autopsy, ang nasawing biktima upang matukoy ang iba pang detalye ng insidente.
Trending
- Bolts pinahiya ang Macau 115-110
- Karl Eldrew Yulo nagtapos sa pang-pitong puwesto sa floor exercise ng Gymnastics World Cup
- ‘Game of Thrones’ actor pumanaw @ 35
- Kaila Estrada ‘proud GF’ ang peg sa pag-flex kay Daniel Padilla
- Blackpink Jennie bagong global ambassador ng Ray-Ban
- 2 Pinoy church leaders, itinalaga ng Santo Papa sa Vatican comms body
- Medical fair sa mga drayber ilulunsad ng DOH sa Abril 16
- ‘Di awtorisadong taas-presyo ng bilihin, babantayan ng PNP

