Iniutos sa pulisya ng alkalde ng Tuguegarao City sa Cagayan na imbestigahan ang isang viral video na makikita ang isang lalaki na local vlogger habang sinasaktan at hinihiya ang kaniyang sariling misis.
Sa ulat, inatasan ni Mayor Maila Ting-Que, ang mga awtoridad na alamin ang katotohanan tungkol sa video at tiyaking ligtas at nasa maayos na kalagayan ng babae.
Makikita sa video na unang naka-livestream pero tinanggal na umano ang Facebook page ng lalaki, na sinasabunutan, binabatukan at hinihiya ng lalaki ang babae.
Ayon sa alkalde, kahit deactivate na ang Facebook page ng lalaki, may mga nagpapadala pa sa kaniyang tanggapan ng kopya at link na makikita ang video.
Sinabi ng lokal na opisyal na layunin ng isinasagawang imbestigasyon na alamin ang buong katotohanan sa likod ng insidente at matukoy kung may sapat na batayan kung kailangang magsampa ng kaukulang kaso.
Nanawagan din si Mayor Ting-Que sa sinumang may direktang nalalaman sa insidente o sa mga taong sangkot sa video, na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mapabilis ang imbestigasyon
Trending
- Eala dapa kay Anisimova; akyat sa WTA No. 17 ranking
- Baterbonia, Adili inalala bago ang tapatan ng Ateneo Blue Eagles, Fatima Phoenix
- Michael V, may tribute kay Alex Eala
- Ina ni Awra, may breast cancer
- Priscilla, planong bumalik sa showbiz
- Kelot kumakatay at nagbebenta ng aso, arestado
- 3 sangkot sa pananaksak at ikinasawi ng estudyante
- Makapal, masangsang na likido kumalat sa baybayin ng Batangas

