Nasawi ang isang commander ng Moro Islamic Liberation Front na kilalang masigasig sa pagtulong sa mga law-enforcement activities ng kanilang local government unit at ng pulisya sa pamamaril sa Sitio Mahad sa Barangay Manaulanan sa bayan ng Tugunan sa probinsya ng Cotabato.
Isa ang Tugunan sa walong mga bagong tatag na bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area na sakop ng Bangsamoro regional government ngunit nasa Cotabato province na nasa teritoryo ng Administrative Region 12.
Kinumpirma nitong Huwebes ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkasawi sa naturang insidente ni Abdulmaguid Hadji Ali, residente ng Sitio Gawang sa Barangay Manaulanan.
Ayon sa ulat na ipinaabot sa PRO-BAR ng mga municipal officials at mga imbestigador mula sa Tugunan Municipal Police Station, galing sa isang Islamic symposium sa isang lugar sa Barangay Manaulanan si Ali ng tambangan ng mga kalalakihang nakaabang hindi kalayuan sa kung saan ginanap ang naturang aktibidad.
Mabilis na nakatakas ang mga armadong nakapatay kay Ali, ngayon pinaghahanap na ng mga local executives at mga pulis at mga barangay tanod sa Tugunan.

Share.
Exit mobile version