Pormal nang naupo si Lt. Gen. Michael Logico bilang ika-86 na superintendent ng Philippine Military Academy (PMA), ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes.
Sa isang pahayag, sinabi ng AFP na pinangunahan ni AFP Chief Gen. Antonio Nafarrete ang change of command at retirement ceremony sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City noong Miyerkules.
Si Logico, miyembro ng PMA Maalab Class of 1993, ay dating nagsilbi bilang commander ng Philippine Army Training Command at humawak ng iba pang mahahalagang tungkulin sa training, doctrine development, joint exercises, at special operations ng AFP.
Pinalitan niya sa puwesto si Vice Admiral Caesar Bernard Valencia.
Sa seremonya, binigyang-diin ni Nafarrete ang mahalagang papel ng PMA sa paghubog ng mga susunod na lider ng militar.
“The future of the Armed Forces begins within these halls. Therefore, every lesson taught, the standard enforced, and the values instilled will shape the leaders who will command our units, protect our sovereignty, and uphold the trust of the Filipino people,” ani Nafarrete.
Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na sa ilalim ng pamumuno ni Logico ay patuloy na makapaghuhubog ang PMA ng mga opisyal na may integridad, kahusayan, at matatag na dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial
