Iginiit ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga sundalo at kanilang mga pamilya ng mas mainam na access sa healthcare services.
Sa social media post, kinilala ni Araneta-Marcos ang mga sakripisyo na ginawa ng tropa ng pamahalaan para tugunan ang mandato ng pagprotekta sa bansa.
“Behind every uniform is a Filipino who serves with courage, sacrifice, and love for country,” aniya.
“Our soldiers care for our nation every day. It is only right that care reaches them, too.”
Pinangunahan ni Araneta-Marcos ang turnover ng 11 mobile laboratory vans sa Philippine Army sa isang seremonya sa Taguig noong Miyerkules.
Kailangan aniya na mas ilapit ang healthcare sa mga sundalo, sabay-sabing marami sa mga ito ang nalalayo sa kanilang pamilya nang mahabang panahon at ang iba ay nakatalaga pa sa remote areas para lamang sa kapayapaan ng bansa.
Ayon sa First Lady, ang inisyatiba ay magbibigay-daan sa mga tropa at mahal sa buhay na makatanggap ng napapanahon na medical care at early disease detection.
“After all, caring for those who protect us is one meaningful way of honoring their sacrifice,” aniya.
Ang turnover ng mobile laboratory vans para sa mga sundalo ay nakaayon sa pagsusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas accessible ang healthcare services sa mas maraming Filipino.
Ang donasyong brand-new mobile medical laboratories ay sa ilalim ng Lab for All Program ng First Lady, sa pakikipagtulungan sa Robinsons Land Foundation, Inc.
Inaasahang magbibigay ang mobile laboratory vans ng diagnostic at medical services sa military personnel at dependents ng mga ito lalo na sa mga nakatalaga sa remote areas.
Trending
- PNP: Proteksyon sa pamilya ng missing sabungeros, paiigtingin
- Karagdagang 20 GW target ng DOE para maabot 2040 renewables goal
- DOH nilinaw, wala pang kaso ng Ebola sa bansa
- Hirit na P200 dagdag-sahod sa NCR, ‘di luho
- Pagtigil sa pagpapatupad ng bagong SHS curriculum, hiling ng mga guro sa SC
- Mga sundalo karapat-dapat sa mas maayos na access sa healthcare services
- House prosecution naghahanda na vs fake news
- Pinas, maaari nang mag-angkat ng Belgian poultry
