Winner ang “Heart Jewels” ni Heart Evangelista.
Ang kanyang necklace ay isa lang sa mga naubos.
No wonder, pinaghirapan naman niya kasi itong gawin.
Nakakatuwa ngang sey ni Heart: “They are gone. Those of you who know the beauty of handcrafted fine jewelry, I appreciate you for appreciating my hard work. I’m so, so flattered!”
Bracelet ang isinunod niyang ginawa but not yet for sale ‘yon.
“I love these beautiful pieces. I’m creating a piece that can be a bracelet, a necklace that you can connect with like a chain,” sey ng fashion icon.
Proudly, hindi lang daw ‘yon mga jewelry pieces as they also attract positive energy.
Tanungan nga nang tanungan ang mga fans kung maa-afford ba nila ang panindang jewelry ni Heart.
May mga nag-request din ng kanilang mga birthstones.
Manghang-mangha nga ang mga ito sa artistry ni Heart.
“We love everything that you do!” sey ng isang faney.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

