Patay ang isang mekaniko na nagwala at namaril ng walang habas at isang batang babae ang naipit sa crossfire ang nasawi din sa naturang insidente nitong Sabado, April 18, sa Purok Pandian sa Barangay Labangal, General Santos City.
Sa ulat nitong Linggo ng General Santos City Police Office, unang nagwala si Ryan Mantikaya Sangbaan, 43-anyos, at nagpaputok ng .45 caliber Taurus pistol na nagsanhi ng panic sa mga residente ng Purok Pandian.
Sa ulat ng mga local executives at mga saksi, sa halip na magpaawat, pinagbabaril ni Sangbaan ang mga pulis ang mga pulis na nagresponde sa insidente kaya nagka-engkwentro na nag-resulta sa kanyang pagkamatay.
Isang 12-anyos na batang babae na nakatira ang pamilya sa pinangyarihan ng insidente ang nahagip ng bala sa naturang lugar na kalaunan, pumanaw sa pagamutan kung saan siya isinugod ng mga barangay officials upang malapatan ng lunas.
Ayon sa mga officials ng General Santos police force at ng Police Regional Office 12, ang batang Grade 6 pupil, nasawi sanhi ng tama ng balang tinamo nito sa walang habas na pamamaril ni Sangbaan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang .45 caliber Taurus pistol na natagpuan sa tabi ng bangkay ni Sangbaan.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

