Muntik na pala mauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Megan Young at Mikael Daez.
Ito ay matapos aminin ng aktres na sobra niyang naibuhos ang sarili sa pagmamahal hanggang sa halos mawala na ang personal niyang buhay.
Sa guesting niya sa “Paano Ba ‘To” podcast ni Bianca Gonzalez, diretsahang sinabi ni Megan na dumating siya sa puntong si Mikael na ang naging sentro ng lahat.
“I feel like I got lost in love to the point that I didn’t take care of myself. I loved Mikael so much that I made him my world, but he hated that,” pahayag niya.
Umabot pa raw sa matinding confrontation ang dalawa dahil gusto ni Mikael na manatili rin ang sariling identity ng aktres.
“I am not your world. I’m a part of it… I want you to just do your own thing and flourish,” pahayag nito ayon kay Megan.
Sa parehong interview, inamin din ng aktres na muntik na silang mag-break noong ikatlong taon ng kanilang relasyon dahil sa isyu na ito.
“Parang we were in our three years of relationship na… kasi muntik na kaming mag-break nung time na ‘to dahil ayaw niya talagang ginagawa ko siyang mundo ko,” sey pa niya.
Para kay Megan, naging wake-up call ang lahat ng nangyari.
“Oo nga no… nakakalimutan ko na din sarili ko,” aniya, na kalaunan ay nagbago ng pananaw sa relasyon at personal growth—na ngayon ay mas balanced na ang pagmamahalan nila bago pa sila ikinasal noong 2020.

Share.
Exit mobile version