Patay ang isang empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nang pagbabarilin sa Barangay Lutucan 1, Sariaya, Quezon nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Pepe, 37-anyos.
Ayon sa imbestigasyon, papasok na sana sa trabaho ang biktima nang bigla siyang lapitan ng mga salarin na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril.
Agad na tumakas ang mga salarin, habang isinugod naman sa ospital ang biktima nguni’t idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang follow-up investigation at manhunt operation ng mga awtoridad.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
