Hinimok ng isang alkalde sa Maguindanao del Sur ang Department of Justice (DOJ) na agad aksyunan ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y mga tangkang pagpatay sa kanya, kabilang ang pag-atake gamit ang rocket-propelled grenade (RPG) sa kanyang convoy noong Enero.
Ginawa ni Shariff Aguak Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan ang panawagan matapos dumalo sa preliminary investigation ng kasong anti-terrorism na isinampa niya laban sa mga umano’y nasa likod ng pag-atake noong Enero 25, na kanyang nakaligtas.
“Sana ‘yung na-file namin na kaso, hinihingi ko sa DOJ malabas kaagad ‘yan para matigilan na itong mga ganito-ganito. Kasi doon sa amin natakot na ‘yung mga tao doon. Bakit natakot? Kasi sunud-sunod ‘yung nangyari sa akin,” pahayag niya.
Ayon kay Ampatuan, posibleng mga kamag-anak na nasa kulungan ang nasa likod ng mga pag-atake, ngunit hindi niya ito pinangalanan. Dagdag pa niya, kabilang din sa mga naapektuhan ang kanyang pamangkin.
Kasama ni Ampatuan, 63 anyos, bilang mga complainant ang kanyang driver na si Butch S. Saludin, 38; si Tips Eso, 36; at Philippine Army Pfc. Manuel Dondiego ng 90th Infantry Battalion na pawang sugatan sa insidente.
Kabilang sa mga respondent sa reklamo ang ilang indibidwal kabilang sina Babang Salik, Edad Pendatun alyas “Haider,” ilang lokal na opisyal, at iba pa, pati mga hindi pa nakikilalang John Does.
Ayon sa mga awtoridad, tatlong lalaki na sina Asrap Pendatun, Danny Pendatun, at Puasa Aminon ang napatay sa follow-up operations ng Army matapos ang pag-atake sa convoy ng alkalde.
Sinabi ni Ampatuan na ang insidente ng RPG attack ay ikalima na umanong pagtatangka sa kanyang buhay.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France
