Nagtapos sa ikaapat na puwesto ang Pinoy singer na si Matty Juniosa sa “Britain’s Got Talent” Season 19, matapos makakuha ng dalawang Golden Buzzer sa buong kompetisyon.
Sa kanyang final performance nitong Sabado (oras sa UK), inawit ni Matty ang “Nothing Compares 2 U” ni Sinéad O’Connor.
Umulan ng papuri mula sa mga hurado matapos ang kanyang performance. Tinawag ni Alesha Dixon na “effortlessly sensational” ang kanyang boses, habang sinabi naman ni Simon Cowell na “absolutely brilliant” ang kanyang pagtatanghal.
“I think we have all fallen in love with you from the minute we first met you… your personality, your talent, and you’re not afraid to take on these big songs,” sabi ni Simon.
“I think you couldn’t have done any more, genuinely,” dagdag pa niya.
Sa huli, nasungkit ng Hawkstone Farmers Choir ang kampeonato matapos makuha ang pinakamaraming boto mula sa mga manonood, habang sumunod ang drone art collective na Celestial at Anastasiia & Salsa dance duo.
Isa si Matty sa mga nagningning sa show matapos umabante sa semi-finals sa pamamagitan ng Golden Buzzer mula kay Simon.
Nakakuha rin siya ng isa pang Golden Buzzer mula kay Amanda Holden na nagdala sa kanya hanggang sa final stage ng kompetisyon.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader
