Patuloy ang pamamayagpag ni Maris Racal bilang darling ng masang Pinoy makaraang mamahagi ng bigas sa mga mag-aaral at jeepney driver sa UP Diliman.
With a placard that says “Libreng Bigas,” ang eksena–makikitang tumayo sa gilid ng kalsada si Maris para iabot ang mga naka-plastic nang bigas sa mga umiikot na driver ng UP Ikot ang ruta.
Kasama din ang pag-aabot ng maiinom at makakain ang grupo ni Maris.
So, ano’ng okasyon?
Ipinagdiriwang din kasi ng singer-actress ang kanyang 12th year sa showbiz including the anniversary of her solid fan base–ang Mariestellers.
Ibinahagi niya ito sa kanyang Threads account through a video captioned: “12 years na ako sa industriya. Happy anniversary to us Mariestellers. Love you all so much!”
Comment ng isang fan: “Happy anniversary, my OG crush!”
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
