Isang Malaysian actor at hindi Pinoy ang gumanap bilang Rolando Mendoza sa pelikulang hango sa 2010 Manila hostage crisis.
Ang aktor na si Shahronizam Noor ang umarte bilang si Paisa (Mendoza) sa 90-minute Hong Kong film na Beyond Hostage Crisis o 823 Hostage Crisis na nakabatay sa hostage-taking na naganap sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Manila noong Agosto 23, 2010.
Isang dating pulis na si Mendoza ang nang-hijack ng tourist bus na may sakay na 25 katao, kabilang ang 21 turistang mula Hong Kong. Nagtapos ang 10-oras na hostage-taking sa pagkamatay ng walong biktima, kabilang si Mendoza, at pagkasugat ng iba pa.
Idinaing ni Mendoza ang pagtanggal sa kanya sa serbisyo dahil sa umano’y misconduct at hiniling na mabigyan siya ng patas na pagdinig dahil sa kanyang pagkakasibak, nawalan siya ng lahat ng benepisyo.
Ipinalabas na sa Malaysia ang pelikula nitong Abril 2 habang nakatakda naman itong umere sa Hong Kong sa Mayo 28.
Ang radio broadcaster namang si Michael Rogas, na nakilala sa pag-interview sa hostage-taker na si Mendoza 15 taon na ang nakalipas ay ginampanan ng babae — ang HK Film Awards Best Actress na si Fish Liew.

Share.