Nagpahayag ng pagdadalamhati ang LPGMA party-list kaugnay ng naganap na pagsabog sa isang residential area sa Dasmariñas City, Cavite na pinaniniwalaang may kaugnayan sa liquefied petroleum gas (LPG).
Sa pahayag noong Sabado, Abril 18, muling binigyang-diin ni LPGMA founder Arnel Ty ang kahalagan ng mas mahigpit na regulasyon sa industriya ng LPG.
“This incident underscores the very core of LPGMA’s advocacy: stricter regulations across the LPG industry to eliminate unlicensed “backyard” facilities,” giit ni Ty.
Ipinaliwanag niya na ang mga lehitimong LPG refilling station ay kinakailangang may License to Operate mula sa Department of Energy (DOE), habang ang mga repair o requalification facility naman ay dapat may akreditasyon mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Standard Certification.
Samantala, nanawagan naman si Ty sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente, kung saan dalawang indibidwal ang naiulat na nasawi.
“We urge our government partners from DOE, DTI, BFP, LGUs, and even barangay units to launch a thorough investigation on this matter, as this may be happening in many areas of the country,” aniya.
“Unlicensed “backyard” LPG facilities are like a ticking time bomb, endangering the lives and property of the public,” pagbibigay-diin pa ni Ty.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

