Patay ang mag-live-in partner nang mabangga ng humaharurot na pampasaherong van ang kanilang motorsiklo sa Tangalan, Aklan.
Makikita sa video footage na papaliko ang mga biktima na sakay ng motorsiklo nang salpukin sila ng van noong Miyerkules ng madaling araw.
Nakaladkad pa ng ilang metro ang mga biktima, na kapwa walang suot na helmet. Hindi na sila umabot nang buhay sa ospital.
Arestado naman ang driver ng van, na umano’y nakikipagkarera sa isa pang van para makakuha ng pasahero.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nag-overtake umano ang van sa isang sasakyan at hindi napansin ng driver ang motorsiklong papaliko.
“Pagdating sa diversion road sa Barangay Tondog, iyong driver na kinakarera niya, pinagbigyan siya na mauna. Nag-overtake siya kaya lang meron pang isang sasakyan sa harapan niya, at mag-overtake ulit siya. Ngayon, hindi niya napansin na mayroong motor,” ayon kay Police Capt. Jayson Mausig, OIC ng Tangalan Police Station.
Mahaharap ang driver sa reklamong reckless imprudence resulting in two counts of homicide.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
