Magtutungo pa sa Europe si Los Angeles Lakers star Luka Doncic para ito ay magpagamot ng kaniyang tinamong hamstring strain injury.
Layon nito ay para mapabilis ang kaniyang pagpapagaling.
Nakamit nito ang Grade 2 hamstring injury sa pagkatalo ng Lakers sa Oklahoma City Thunder noong nakaraang linggo.
Dahil dito ay hindi na inaasahan ng Lakers na makasama pa siya sa natitirang laro sa regular season.
Sinabi naman ni Lakers head coach JJ Redick na ginagawa lahat ng kampo ni Doncic para siya ay mabilis na gumaling.
Sa kasalukuyan ay nasa number 3 ang Lakers sa Western Conference kung saan mayroon silang 50 panalo at 28 talo at parehas sila ng standing ng Denver Nuggets.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

