Arestado ang isang Senior Citizen na wanted sa kasong large-scale and syndicated Illegal Recruitment sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Barangay Magsaysay, Castillejos.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ang naarestong suspek na isang 61-anyos na lalaki, negosyante at residente sa naturang Lugar.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte na akusado sa nabanggit na kaso.
Natunton ng mga awtoridad ang suspek makaraang makatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan ng suspek.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Trending
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
- Rondina, Pons yuko kontra Danish sa Nuvali Challenge opener
- Kathryn at Monmy Min, walang tampuhan
- Maris, namigay ng bigas
- Janno, nagsori kay Manilyn
