Naaresto ang isang lider ng New People Army (NPA) sa isinagawang operation sa Lianga, Surigao del Sur.
Kinilla ang naaresto sa alias Niel, squad leader ng Squad 2, Sub-Regional Sentro De Grabidad Southland, North Eastern Mindanao Regional Committee, at No. 3 Regional Level Most Wanted Person ng PRO 13.
Ayon kay PNP Chief Gen Jose Nartatez Jr., naaresto ang suspek ng elemento ng Barobo Municipal Police Station at 1st Special Action Battalion, Special Action Force (1SAB, SAF) Sitio Logdeck, Barangay San Isidro, Lianga, Surigao del Sur.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 3 count ng murder, 2 counts ng Frustrated Murder, at 1 count ng Attempted Murder na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch 28, 11th Judicial Region, Lianga, Surigao del Sur, noong February 2.
Nasa kustodiya ang suspek ng Barobo Municipal Police Station, Surigao del Sur Police Provincial Office, habang sumasailalim sa documentation at nakatandang iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

