Ibinida mismo ni Lea Salonga sa social media ang espesyal na collaboration nila ng BINI para sa official soundtrack ng DreamWorks animated film na “Forgotten Island.”

Nag-join forces ang Broadway star at ang Nation’s Girl Group para sa “A Parallel World (Amping Mix),” isang espesyal na bersyon ng kanta na kabilang sa 37-track soundtrack album ng inaabangang pelikula.

Dalawang bersyon ng “A Parallel World” ang mapapakinggan sa soundtrack album na ilalabas sa Setyembre 18, ilang araw bago mapanood sa mga sinehan ang “Forgotten Island.”

Bukod sa collaboration nila ng BINI, tampok din si Lea sa iba pang awitin sa soundtrack tulad ng “Ninakaw Sa Akin,” “Magnanakaw,” “Balik,” “Bahagi Mo,” at “Ang Manananggal Suite,” kasama ang singer na si Nathan Matthew David.

Hindi rin maitago ng BINI ang kanilang excitement na makatrabaho ang isa sa pinakamalalaking pangalan sa larangan ng musika at teatro.

Dahil dito, marami sa fans ang umaasang masundan pa ang kanilang proyekto at magkaroon ng live performance o concert collaboration sa hinaharap.

Share.
Exit mobile version