Excited na ang mga theater fans dahil muling aarangkada si Lea Salonga sa international stage para sa “Les Miserables: The Arena Spectacular” sa Singapore.
Gagampanan muli ni Lea ang papel bilang Madame Thénardier, isang karakter na una na niyang ginawa sa Manila run ng concert version ng Les Miserables.
Makakasama pa rin niya ang kapwa Pinoy performer na si Red Concepcion bilang Thénardier, na lalo pang inaabangan ng fans dahil sa kanilang mahusay na tandem.
Gayunpaman, hindi na makakasama sa produksiyon si Rachelle Ann Go, na bahagi rin ng naunang pagtatanghal.
Sa ngayon pa lang, dagsa na ang interes ng publiko dahil halos maubos na ang tickets para sa limitadong seven-week run nito sa Marina Bay Sands mula Marso 24 hanggang Mayo 10, 2026.
Trending
- Nick Smith Jr., hinugot ng Lakers
- Jack Animam nasungkit unang pro-title sa Japan
- MMFF 2026 sked, inilabas na
- Artist center ng TV5, ilulunsad
- BINI naka-15.5M views agad sa Coachella IG
- SAP palalakasin ng DOLE sa mga manggagawa ng asukal, biofuel
- Fire incidents tumaas sa unang bahagi ng 2026
- Inflation sa US sumirit sa 3.3% dahil sa giyera sa Iran

