Inaresto ang isang lalaki nang mangholdap gamit ang isang laruan na baril sa gitna ng kanIyang pagkakalulong sa online gambling na kilala bilang “scatter.”
Sa report, napilitang gumawa ng krimen ang suspek matapos maubos ang kaniyang pera sa patuloy na paglalaro ng nasabing online gambling.
Ayon sa mga awtoridad, ginamit umano ng lalaki ang isang toy gun upang takutin ang kaniyang biktima at tangayin ang pera nito.
Sa imbestigasyon, lumabas na matagal nang nalululong ang suspek sa scatter, kung saan umaasa umano siyang makabawi sa kaniyang mga nawalang pera. Sa halip, lalo lamang siyang nabaon sa problema sa pananalapi.
Ayon sa pulisya, agad ding nahuli ang suspek matapos ang insidente at nahaharap ngayon sa kasong robbery. Narekober din mula sa kaniya ang ginamit na laruan na baril.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko hinggil sa panganib ng labis na pagkalulong sa sugal, lalo na sa online platforms, na maaaring magtulak sa ilang indibidwal na gumawa ng ilegal na gawain.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa suspek.

Share.