Narekober na ang mga labi ni Pilot Jose Ortoll at ng kanyang asawa, dalawang araw nang bumagsak ang kanilang Cessna plane sa Dinagat Islands nitong Biyernes ng umaga.
Nawawala noong Miyerkules ang Cessna 172 na may registry RPC2444 habang patungo sa Siargao Island.
Ayon sa mga awtoridad, ang eroplano, na pinaniniwalaang nagmula sa Subic, bumagsak sa kabundukan may 15 minuto bago ang nakatakda sana nitong 1:00 ng hapon na paglapag sa Siargao Airport.
Sinabi ng mga imbestigador na walang naitalang distress call bago ang pagbagsak ng eroplano. Iniulat din na pag-aari ng asawa ni Ortoll ang aircraft, at papunta umano ang mag-asawa sa kanilang private resort sa Siargao.
Ayon pa sa mga awtoridad, maayos naman ang lagay ng panahon sa lugar at angkop ito para sa commercial flights nang mangyari ang insidente.
Nagsimula na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines Aircraft Accident Investigation Board ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
Trending
- Joey Salceda may ‘mataas na posisyon’ sa PBBM admin
- Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar gagawing fishery hub
- Higit P29m droga, nakumpiska sa Pasay
- Top 1 most wanted sa Occ. Mindoro tiklo sa Bulacan
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
